Since last year nahuhumaling
akong manuod ng ma koreanovela, Korean reality and variety show, kahit minsan
naduduling n mga mata ko kakabasa ng English sub tittle. Sa kakapanuod ko nga
eh kahit papano natututo na rin ako ng mga Korean words, yung mga simple lng
syempre.
Sa koreanovela di ko na
mabilang kung ilan na napanuod ko, di sila masyadong mahilig sa happy ending na
nakaugalian na ng pinoy soaps, pero trip ko pa rin. Parang eto na ang social life ko…bilang hindi
na naman ako pala- labas kasi feeling ko ang tanda- tanda ko na para sa ganun,
tsaka tapos na ako sa yugtong yan..yung tipong uumagahin sa pag uwi sa
kakagimik. Kaya ayun salamat sa high tech na mundo nakakapanuod na ako ng
ibat-ibang palabas galling sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, in my own time.
Pero gaano man ako
napangiti,napatawa o napakilig ng mga
banyagang programa, iba pa rin ang sariling atin, tagos kung tagos ang mga ika
nga ng marami “#hugot”. Yung mga eksenang minsan marealize mo,” Uy napagdaanan
ko din yan. Astig, galing talaga…walang katumbas pag gwang atin talaga.
Hindi ako yung tipong
manonood na solid kapamily, kapuso, kapatig, kasama, kaibigan o kung anu-ano
pang “ka”. Syempre kung aling ang magandang palabas para sa ‘kin yun ang
papanuorin ko.
Pero lately aminin ko tutok
na tutok talaga ako sa ABS-CBN, syempre nandyan ang Pangako Sayo na kahit
remake na eh papanuorin at papanuorin mo parin – lagyan ba naman ng Kathniel,
dyan pa c Eduardo na childhood crush ko and of course si madam Claudia at si
Amor. Idagdag mo pa On the Wings of Love
na juice araw-araw nagpapakilig at nagpapangiti sa ‘kin. Hindi na man talaga
ako fan ng Jadine eh…kasi naman ang puso na dati Kimerald na naging Kimxi,
tapos ngayon ay may #Jadine heart na rin ako.
Dumaan na c #Kathiel, c #Jadine
na juskolored walang ibang ginawa kung di magpakilig at magpakirot ng puso, eto
naman c #Tomiho ng PBB737 ayyy! Talaga nga
naman ayaw magpahuli,at ayon humabol din DZeus maygad!!!
Yong totoo ABS-CBN anong
balak nyon gawin sa puso ng yong mga manunuod na kagaya ko? Hahaha! Pero seriously salamat kasi
your programs are one of those that put smiles in my face. Good job kayo for
me!
No comments:
Post a Comment