Friday, October 16, 2015

#Presidentiables



Nagsisimula na namam mag ingay ang mga tao sa mundo ng pulitika...well may iba nga eh last year pa lng todo kayod na. At hindi ko mapigilan matawa ng matabang na lang, pa’no ban a man kasi simula nong ako’y nakaboto, lage ko napapansin na sa tuwing papalit na ang eleksyon aba’y kay daling lapitan ng mga pulitiko. Andyan yung pwede mo silang makasabay kumain…makadaupang palad at makikita mo sa kasuluk-sulokang kabihasnas, yung nga lang pag naka upon a..sa TV mo na lng makikita lalo na para sa isang ordinaryong taong kagaya ko. Minsan nakakadisappoint pa kasi hindi magandang balita ang makikita mo, na pagkatapos mapanood ay maitanong mo sa sarili mo kung ano bang nakita mo sa taong to at siya’y binoto mo nung halalan.

 Sa kabilang banda, hindi ko talaga mapigilan ang tumawa at magtanong kung saan lupalop nanggaling yung ibang guston tumakbo bilang pangulo ng bansa, lalo na yung mga “ nuisance candidate”. Pero at the end of the day, bumilib  ako sa kanila, kasi nakuha talaga nilang hayagang ipakita ang pagkadismaya sa pamamalakad n gating gobyerno, di tulad ko na pasulat-sulat lng sa isang sulok. Ang tapang din nila infairness at dagdag kulay na din sa dati ng makulay na mundo ng pulitika sa bansa.

 Ang pinakaasam-asam ko na tumakbo bilang president ay walang iba kungdi si Mayor Duterte ng Davao. Sa dami ng magagandang feedback na narinig ko sa radio, telibisyon at sa mismong mga constituent niya, gusto kong ipagkatiwala sa kanya ang susunod na anim na taon ng aking bukas. Parang natatanaw ko ang isang maunlad na Pilipinas. Yung nga lang..hindi cya tatakbo..sayang naman.

 Sabagay sa mga natitirang nakapag file na ng kanilang COC..ay meron na rin naman akong napupusuan. Sana nga eh hindi cya magbabago gaya ng karamihan sa mga pulititko…na madali lng lapitan sa tuwing papalapit na ang halalan. At sana…maging matapang at hindi magiging puppet ng kung sino man.
 
Sana ang susunod na maging pangulo ay talagang pangtratrabaho-an ang butong ipinagkaloob  sa kanya. Sabi nga mayaman tayo sa natural resources sana yon yung madevelop natin nang  hindi  na kailangan manpower ang i-export para lumago ang ekonomiya.

Featured Post

Scattered thoughts on my " POST ITS"

It's a Sunday afternoon at wala masyadong ganap sa work, medyo nabagot din ng konti, kaya napag tripan ko ang "post it" sa PC...